Bigo si Biazon at panalong housing ng Hanjin

BIGONG mapasama sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino si Customs Commisioner Ruffy Biazon kahit pa nakasabat at sumamsam ang kanyang tanggapan ng may P42.5 M halaga ng bigas sa 90 container vans sa Subic Bay Freeport.

Hunyo pa kasi sinamsam ang bigas galing sa Vietnam pero ilang araw na lang bago mag-SONA si PNoy nang ihayag ito sa media, lumalabas tuloy na nagpapapansin si Biazon sa Pangulo.

Ito Ang Totoo: may mas malaking sinamsam ang Bureau of Customs na shipment ng bigas mula naman sa India noon pang Abril na tinatayang halagang P450 M sa Subic Bay Freeport rin.

Iyon nga lang, inuna pang inilantad sa media ang mas maliit na seizure ng buwan ng Hunyo kesa sa malaking sinamsam noong buwan ng Abril. Bakit? Commissioner Biazon, bakit daw, o?

Kay Biazon na rin nanggaling na maraming interesado sa bigas at may pressure sa kanyang palampasin ito.

Ganoon ba iyon? Nagkaroon ba ng negosyon at dahil hindi nagkasundo kaya lang itutuluyan?

Ito Ang Totoo: bukod sa bigas, naglipana rin ang illegal na pagpasok at paglabas ng mga kahoy at ukay-ukay sa Subic.

Kung totoong seryoso sa trabaho ang bagong O-I-C District Collector ng Subic Customs na si Carmelita Talusan, hindi makakaligtas sa kanyang atensiyon ang mga ito bukod sa bigas.

***

Hanjin Housing.

Mabuti naman at may housing project sa Castillejos, Zambales ang Korean shipbuilding firm na Hanjin na may yarda sa Subic.

Mahigit isang libong manggagawa ang tinatayang makikinabang  kapag natapos ang P1.5 B proyekto na nagka-groundbreaking nitong Miyerkules.

Sa hindi matatawarang kontribusyon ng manggagawang Pilipino sa paglago ng Hanjin, dapat lang na kalingain ang pangangailangan ng mga nagta-trabaho sa
Hanjin. Ito Ang Totoo!

***

Ipaabot sa Ito Ang Totoo sa pamamagitan ng txt ang inyong mga mensahe sa cp no. 09994001162 o sa Facebook http://www.facebook.com/pages/Ito-Ang-Totoo-Remate.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply