Bigtime LPG price hike, nakakasa sa Agosto

MATAPOS ang sunod-sunod na ipinatupad na tapyas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG), nakakasa na naman ang isang bigtime price hike sa susunod na buwan.

Ang ikinakasang dagdag-presyo ng cooking gas ay pinangangambahan ngayon ng LPG Marketers Association (LPGMA) dahil sa kakulangan ng suplay ng LPG.

Ayon kay LPGMA Partylist Rep. Arnel Ty, posibleng tumaas ng P7.00 kada kilo o katumbas ng P77.00 pagtaas sa kada tangke ng LPG.

Kasabay nito, hiniling ni Ty sa Department of Energy (DOE) na imbestigahan ang kakulangan ng suplay ng LPG.

Duda ni Ty na sadyang iniipit ng malalaking kompanya ng langis ang suplay ng LPG para magkaroon ng kakulanga nito na hahantong sa pagtataas ng presyo cooking gas

Ipinaliwanag ni Ty na karaniwan sa malalaking kompanya ng langis kumukuha ng suplay ng LPG ang mga miyembro ng LPGMA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply