Bike rack sa NLEX okay na

NITONG nakaraang mga linggo ay isang malaking reklamo ang lumutang mula sa mga motorista na gumagamit ng North Luzon Expressway (NLEX) dahil biglang naningil ng doble sa mga kotseng may bike rack sa bubong ang NLEX.

Ayon sa mga nagreklamo, dahil daw mataas na ang kanilang sasakyan, Class 2 vehicle na ang kategorya nila at hindi na Class 1 kahit isang maliit na kotse lang sila. Doble nga ang biglang singil sa kanila.

Maraming nagalit dahil naging isyu na rin ito sa South Luzon Expressway (SLEX) pero dahil sa kampanya ng mga siklista na madalas magtungo sa Nuvali, inalis ng SLEX ang kondisyon na ito.

Kinausap natin ang matagal na nating kaibigan na si Toti Palileo mula sa Public Affairs ng Manila North Tollways Cor-poration (MNTC) upang malinawan ang bagong singilan na ito sa NLEX.

Mabilis ang sagot ni Toti sa atin, inalis na ng NLEX ang mataas na singil sa mga kotseng may bisikleta at bike rack sa bubong. Isang pagkakamali umano ito sa pagpapatupad ng direktiba laban sa mga abusado sa expressway.

Ang tinutukoy ni Toti na abusado ay yung mga giant jeepney at home designed na mga sasakyan na ang rehistro ay nasa Class 1 pero mga damulag na ang hitsura sa laki.

Nangunguna  dito  ang  mga jeepney na dambuhala na at kayang magsakay ng halos 50 katao galing probinsiya. At dahil galing probinsiya, sangkatutak ang karga nila sa bubong na mga bagahe tulad ng kahon, sako ng bigas, kamote at mais, mga furniture at iba pa.

Ito umano ang target ng height restriction ng NLEX at hindi yung mga ordinaryong kotse na may bisikleta sa bubong.

‘Yun nga lang, ng ipalabas nang NLEX ang utos, medyo nakalimutan nilang gawing detalyado ang utos kaya pati yung mga may bike rack ay naperwisyo ayon kay Toti.

Hindi man sinasadya, siyempre marami na ang naistorbo at nainis sa bagong regulasyon sa NLEX. Mabuti na lang at mabilis ang mga opisyal nito at agad na nilinaw ang singilan para hindi na madamay ang mga siklista.

Kaya, ngayon, puno ng karatula ang NLEX na nagsasabing hindi dapat singilin ng Class 2 rates ang mga Class 1 vehicle kung bike rack at bisikleta lang ang nakapatong sa bubong nila.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply