Biktima nagtitili, snatcher nahuli

HIMAS-REHAS ngayon ang isang snatcher matapos magsisigaw ang biniktimang dalaga sa Caloocan City Lunes ng gabi (Hulyo 2).

Nakilala ang suspek na si Joshua Vargas, 23 ng Holy Spirit, Quezon City.

Base sa ulat, dakong alas-9:30 kagabi, nag-aabang ng masasakyan si Marites Reyes, 20 sa Monumento ng lungsod nang hablutin ng suspek ang hawak na cellphone ng biktima.

Agad na kumaripas ng takbo ang suspek habang nagsisigaw naman ang biktima na nakatawag ng pansin sa mga nagrorondang pulis na naging dahilan upang habulin ang una.

Nang maabutan ay hindi na nanlaban ang suspek na binitbit sa presinto.

Nabawi naman ang cellphone ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply