Billboards, tarpaulins tiklupin muna – MMDA

MARIING ipinag-utos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga outdoor advertisers na pansamantalang tiklupin ang kanilang mga billboard at tarpaulin sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, mapanganib sa mga motorista ang mga naglalakihang tarpaulin na maaaring liparin dahil sa lakas ng hangin dulot ng bagyong “Gener.”

Sinabi ni Tolentino na maaari ring maging dahilan ng brownout ang mga tarpaulin sa oras na mahulog at mapatid ang mga linya ng kuryente

Tinukoy ng MMDA ang ilan sa mga naglalakihang tarpaulin at billboard sa EDSA at Ortigas Avenue sa Quezon City. (Johnny F. Arasga)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply