Billboards tiniklop ng MMDA

DAHIL sa lakas ng ulan at hangin dulot ng bagyong “Gener”, mismong ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nagtiklop sa mga dambuhalang “billboards” sa Ka-maynilaan na iniwang naka-tiwangwang ng mga outdoor advertisers.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, mapanganib sa mga motorista ang mga nag-lalakihang tarpaulin na maaaring liparin dahil sa lakas ng hangin dulot ng naturang bagyo.

Dagdag pa nito, nasa 10 billboards ang tiniklop ng kanyang mga tauhan dahil sa panganib na maaaring idulot kung ma-bubuwal ang istruktura nito dahil sa lakas ng ulan at hangin.

Kabilang sa mga itiniklop ng mga tauhan ng MMDA ang mga billboards na nakatirik sa East Libis, Barangay 160 sa Baesa, Caloocan City; Vito Cruz corner Osmeña Highway sa Maynila; Duhat St., Barangay 684 malapit sa Nagtahan Savemore; Blk.9 lot 16 Soldier Hills, Potatan, Muntinlupa City; EDSA MMDA Northbound; Polymedic Hospital; C5 northbound sa harap ng Market Market, C5 Katipunan Northbound; at Ilaya St. sa Barangka, Mandaluyong.

Pinayuhan naman ni Tolentino ang ibang mga billboard operator na sila na ang kusang-loob na magtanggal ng billboard sa posibilidad na bumigay ang mga ito sa muling pag-ihip ng malakas na hangin na dala ng nasabing bagyo.

Ayon pa kay Tolentino, maaari ding maging dahilan ng brownout ang mga tarpaulin sa oras na mahulog at mapatid ang mga linya ng kuryente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply