Binata binoga ng sekyu ng motel, kritikal

MALUBHANG nasugatan ang isang binata matapos itong pukpukin bago binaril ng security guard ng hotel na papasukan ng una kasama ang girlfriend makaraan ang pagtatalo sa Caloocan City.

Kasalukuyang ginagamot si Manuel Piozon, 27, ng Libis Baesa, Sta. Quiteria ng  lungsod sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama ng bala sa kaliwang balika.

Hinahanting naman ng mga pulis upang maaresto ang suspek na si Rey Sermeniano, nasa hustong gulang, security guard ng (Night Owl Security Agency) at guwardya ng Aliw Inn Hotel.

Batay sa ulat, dakong alas-12 ng hatinggabi, pumasok ang biktima kasama ang girlfriend na si Rhea Eustaquio 27 sa Aliw Inn Hotel sa Tirad Pass St. , Bagong Barrio ng nasabing lungsod at nagtanong kung may bakanteng kuwarto.

Sa hindi pa batid na kadahilanan ay nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at suspek hanggang sa bunutin ng huli ang baril at ipalo sa una bago ipinutok.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa MCU kung saan inaalam ang motibo ng pamamaril.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply