Binata binoga sa mukha, dedo

DEAD on the spot ang isang binata matapos itong barilin sa ulo ng hindi nakilalang suspek habang naglalakad sa Port Area, Maynila, kahapon (Hulyo 3).

Kinilala ni P/Sr., Insp. Joey de Ocampo, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section ang biktima na si Mark John Rabuya, 18, out of school youth, at nakatira sa Block 6, Lot 19, New Site Baseco Compound Port Area.

Nakatakas naman ang suspek na inilarawan lamang na nasa edad na 34-anyos, may taas na 5’6″, kayumanggi, nakasuot ng kulay green na T-shirt at pantaloon.

Ayon sa ulat ni PO2 Crispino Ocampo, dakong alas-5:00 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa biktima sa harap ng Lot 12, Block 23, New Site, Baseco Compound Port Area Maynila.

Naglalakad umano ang biktima sa lugar nang lapitan ito ng suspek na armado ng hindi nabatid na kalibre ng baril at walang sabi-sabing binaril sa bandang mukha ang una na tumagos naman sa likurang bahagi ng ulo nito.

Nang bumagsak ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang suspek dala ang ginamit na baril.

Narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang basyo ng kalibre .45 baril habang dinala naman sa St. Yvan Funeral Parlor ang bangkay ng biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa pamamaslang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply