Binata laglag sa bato

KULONG ang isang binata matapos mahulihan ng shabu nang mapansin ng mga pulis ang pagiging balisa ng una sa Caloocan City Sabado ng gabi, Hunyo 30.

Nakilala ang suspek na si Marlon Pascual, 28 ng B. Santos st., Maypajo ng lunngsod.

Batay sa ulat, dakong alas-10 ng gabi, nagsasagawa ng drug surveillance ang mga pulis laban sa pusher na nakilala lang sa alyas Loloy sa nasabing lugar nang mapansin ang pagiging balisa ng suspek habang naglalakad.

Hinarang ng mga pulis si Pascual at nang kapkapan ay nakuhanan ng isang sachet ng shabu na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply