Binata na nautas sa bugbog, itinapon sa ilog

BINUGBOG muna bago itinapon sa ilog ang bangkay ng hubad na kelot na galing sa inuman sa Caloocan City Martes ng umaga, Hulyo 31.

Kinilala ang biktima na si Raymond Isidro, nasa hustong gulang ng North Ville, Bagumbong, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman si Watche Buenconsejo, 24, ng Villa Crystal, Bagumbong.

Sa pahayag ng saksing si Joey Agbay, 32, alas-6 ng umaga, naghahanda siya ng almusal nang makitang lumulutang ang hubad na bangkay ng biktima sa katabing ilog sa Villa Crystal ng nasabing lugar na naging dahilan upang sabihin sa mga pulis.

Lumalabas na kahapon ay nagpunta ang biktima sa birthday party Jessie Ramada sa Crystal Ville at nakipag-inuman.

Dakong ala-1 ng madaling-araw ay nalasing ang biktima at nagpahatid kay Ramada sa bahay ng suspek.

Matapos ihatid ay iniwan na ni Ramada ang biktima sa bahay ng suspek hanggang sa makitang lumulutang na sa ilog na may palatandaan na binugbog muna bago itinapon upang palabasin na nalunod.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply