Binata patay sa leptospirosis sa Ilocos Norte

LAOAG CITY – Patay ang isang binata matapos madale ng sakit na leptospirosis, bayan ng Banna, Ilocos Norte.

Kinilala ang namatay na si Adrin Guevarra, 17, residente ng Barangay Caestebanan, sa nasabing bayan.

Ayon sa kamag-anak ni Guevarra, hindi nila alam kung saan nakuha ng biktima ang nasabing sakit dahil wala namang daga sa kanilang bakuran.

Sa medical report ng Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center na-confine muna ang biktima dahil sa urinary tract infection (UTI) at matapos ang ilang pagsusuri napag-alaman na si Guevarra ay may malalang sakit na leptospirosis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply