Binatang dinukot nakaligtas, nagtago sa dagat

BINEBERIPIKA ngayon ng mga tauhan ng PNP Cebu kung may katotohanan ang sinasabi ng isang 20-anyos na high school student na umano’y dinukot ng mga armadong kalalakihan sa lalawigan ng Cebu.

Sa inisyal na report na ibinahagi ng mga awtoridad, nakaligatas umano mula sa kamay ng mga kidnapper ang binata sa pamamagitan ng paglublob sa dagat ng tatlong araw sa Barangay Hubay, bayan ng Liloan, Cebu.

Pansamantala munang itinago ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng 4th-year high school na biktima ng Apas National School, para na rin sa seguridad nito.

Sa salayasay ng binata, hindi ito ang unang pagkakataon na siya ay kinidnap, dahil noong Hunyo 11 lang ay tinangay din umano ito ng nasabi ring ang kalalakihan ngunit agad siyang pinalaya at pinababa sa Brgy. Pardo, lungsod ng Cebu, dahil napagkamalan lang umano ito.

Ayon pa sa biktima noong Sabado naman, bigla na lang umano siyang pinasakay sa isang gray na sasakyan at dinala sa kung saan.

Ngunit nanlaban siya sa mga tumangay sa kanya sa loob ng sasakyan at nang makatakas ay naglubluob siya sa karagatan ng tatlong araw.

Nang umahon na ito ay sinita siya ng gwardiya sa isang pribadong resort na si Rodrigo Dayagdal, 45, at binigyan siya ng P40 para makauwi sa kanilang bahay.

Ayon kay C/Insp. Bonifacio Garciano, hepe ng Investigation Detection and Management Branch (IDMB) ng Cebu City Police Office, iniimbestigahan pa nila ngayon ang insidente.

Posible umanong naging saksi sa isang krimen ang biktima kaya’t bi

About Thor

You must be logged in to post a comment Login