Binatilyo patay sa cobra

NASAWI ang isang bagets makaraang matuklaw ng cobra sa  Camarines Sur habang mahimbing na natutulog.

Nabatid na mahimbing na natutulog ang biktimang si Edzel Bagasbas, 16, ng Brgy. Salvacion, Sipocot sa kanyang kuwarto nang maramdaman niyang may malamig na gumagapang sa kanyang paa.

Dahil sa nagulat ito,  agad na pinagsisipa ang naturang cobra kung kaya tinuklaw ito nang tatlong beses.

Agad namang isinugod sa ospital si Bagasbas ngunit binawian din ng buhay.

Napatay naman kaagad ang nasabing cobra.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply