Binatilyo patay, tatay sugatan sa nagmamadaling driver

NASAWI ang isang binatilyo habang sugatan naman ang tatay nito makaraang masagasaan sa kanto ng San  Andres at Osmeña Highway sa Maynila.

Binawian ng buhay si Joshua Danao, 14, habang sugatan ang ama nitong nakilalang si Rolando Danao, Jr. nang mahagip at makaladkad ang una hanggang 100 metro ng  isang Mitsubishi Adventure na may plakang WSW 194 na minamaneho ng isang Eduardo Hernandez, Jr.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, tumatawid ang mag-ama sa naturang kalsada nang mahagip ng naturang sasakyan na umano’y biglang nagpaharurot kahit red light na ang ilaw trapiko.

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply