Binay sa mga OFW: ‘Wag magtungo sa Syria

NAGBABALA si Vice President Jejomar Binay sa mga overseas Filipino worker (OFW) na huwag nang magtungo ng Syria dahil sa lumalalang tensyon at kaguluhan sa naturang bansa.

Kasabay nito ipinag-utos din ni Binay sa Bureau of Immigration (BI) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na paigtingin ang kanilang kampanya laban sa mga illegal recruiter na nagpapadala ng mga OFW sa Syria.

Si Binay ay presidential adviser on OFW concerns at pinuno din ng Anti-Trafficking Task Force ng Bureau of Immigration at POEA.

Nag-aalala ang bise presidente sa mga OFWs na nagpupumilit magtungo sa Syria na maaaring mapahak bunga ng tumitinding kaguluhan doon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply