Binay sa OFWs sa Syria: Umuwi na sa Pinas

HINIMOK ni Vice President Jejomar Binay ang mga overseas Filipino worker sa Syria na huwag nang isapalaran ang buhay at agad na makakipag-ugnayan sa mga opisyal ng Pilipinas sa Damascus para makabalik sa bansa.

Sa isang kalatas, sinabi rin ng Presidential Adviser for OFW Concerns na handa ang pamahalaan na tulungan ang mga naiipit na OFW sa Syria, gayundin ang kanilang pangangailangan na makapagsimula ng bagong buhay sa Pilipinas.

“Nananawagan ako sa ating mga kababayan sa Syria. Makipag-ugnayan kayo sa ating embahada sa madaling panahon,” pahayag pa ni Binay.

Ginawa ni Binay ang panawagan kasunod ng tumitinding tensyon sa Syria sa pagitan ng mga puwersa ni Syrian President Bashar Assad at ng mga rebeldeng Syrian.

Sa pinakahuling ulat, umabot sa 302 katao ang namatay sa Syria makaraang magsagupa ang pamahalaan at ang mga rebelde.

Nagpadala naman ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng rapid response team sa Damascus upang hanapin ang mga naiipit na OFW sa Syria.

Umaabot sa 9,000 Filipino ang nasa kritikal na lugar tulad ng Damascus, Homs, Aleppo, Daraa at Idlib.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply