Biyenan tinigbak ng manugang

DEAD on the spot ang ang 48-anyos na lalaki matapos na saksakin ng kanyang manugang habang sugatan naman ang isa pa na nagtangkang umawat sa pagwawala ng suspek Sitio Tipik 1, Brgy. San Jose, Ormoc City, sa ulat ng pulsiya ngayon.

Sa report, bago naganap ang pagpatay ay tinangka pa umano ng suspek na kinilalang si Alvin Ordaniza Arnaiz, 31, residente rin ng naturang lugar na saksakin ang kanyang walong taong gulang na anak dahilan upang sumaklolo ang mga biktima.

Kinilala ng Ormoc City Police Office ang namatay na biktima na si Emiliano Tagalog, 48, balo at residente ng Villaba, Leyte, habang nilalapatan pa ng lunas ang pinsan ng suspek na kinilalang si Artemio Simbajon na malubhang nasugatan

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, masaya umanong nag-iinuman ang mag-anak ngunit sa sobrang kalasangin ng suspek ay bigla itong tumayo at kumuha ng malaking itak at naghamon ng away sa kanyang mga kaanak at mga kapitbahay.

Sinasabing tinangka pa umanong awatin ni Simbajon, ang pinsan nito nang subukan niyang patayin ang walong taong gulang na anak.

Hinihinala rin na may kimkim na galit ang manugang sa kanyang biyenan na siyang pinag-ugatan ng galit nito na nauwi sa pananaksak sa biktima na agad na nasawi sanhi ng dalawang saksak sa tiyan at dibdib nito.

Sinubukan pa naman umanong agawin ni Simbajon ang armas na ginamit sa pananaksak ngunit nabigo itong maagaw kung kaya’t isinugod ito sa ospital dahil sa sugat na natamo.

Tinangka pang itapon ng suspek ang ginamit na armas sa pagpatay kasabay ng pagtatangkang tumakas subalit agad din itong nasakote ng mga rumespondeng awtoridad mula sa Police Station 2, Ormoc CPO.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply