Blessing ng Edsa Ave. nagdulot ng trapik

BUMIGAT ang daloy ng trapiko nang pabasbasan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kahabaan ng Epifanio delos Santos (EDSA) Avenue, kaninang umaga.

Bagama’t pabor ang nakararaming motorista sa pasiya ni MMDA Chairman Francis Tolentino na basbasan ng pari ng banal na tubig ang kahabaan ng Edsa, dapat ay isinagawa umano ito sa araw ng Linggo kung saan kakaunti lamang ang mga sasakyang tumatahak.

Lumahok sina MMDA Chairman Francis Tolentino at General Manager Corazon Jimenez sa ginawang pagsasaboy ng banal na tubig ni Father Roderick Castro sa kahabaan ng 24-na kilometrong lansangan mula Magallanes hanggang Munoz.

Sinabi ni Tolentino na natuklasan nila na noon pa mang Highway 54 ang pangalan ng naturang lansangan ay hindi man lamang ito nabasbasan ng pari kaya’t minabuti nilang isagawa ito ngayon matapos ang halos araw-araw na nagaganap na aksidente na ikinasawi na at ikinasugat ng marami.

Naging masikip naman ang daloy ng trapiko sanhi na rin ng paghinto ng convoy sa mga lugar na may naitalang mataas na bilang ng naganap na aksidente tulad ng Ayala tunnel, Buendia, Guadalupe, Crossing Underpass at Ortigas flyover upang magsagawa ng maikling pagdarasal.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply