Blessing ng Edsa, Commonwealth at iba pa

KAMAKAILAN ay pinamumunuan ni MMDA Chairman Francis Tolentino at Fr. Roderick Castro ng National Shrine of Our Lady of Guadalupe sa Makati City ang blessing ng EDSA. Mula pa nang unang dinaanan ng trapiko ito bilang Highway 54, 70 years na ang nakararaan ay hindi pa raw ito nababasbasan man lang. Hindi naman daw ito “exorcism” o pagtataboy ng masasamang espiritu sa EDSA kundi isang pasasalamat sa Panginoon at panalangin na walang aksidenteng mangyari sa EDSA.

Marami na raw kasing aksi-dente ang nangyari sa EDSA na nagresulta sa sakuna at pagkamatay ng marami. Tulad ng Ayala bombing sa isang bus na bumawi ng maraming buhay pero hindi naman salat sa panalangin ang kahabaan ng EDSA. ‘Di ba’t noong 1986, ang EDSA ONE ay naroon ang maraming tao at taga-simbahan na nanalangin upang hindi dumanak ang dugo at maging mapayapa ang “Edsa Revolution”? Ganundin noong EDSA DOS.

Marangal ang hangarin ni Chairman Tolentino sa pag-bless ng EDSA ngunit kailangan pa ring maging maingat at sumunod sa batas trapiko ang mga motorista. Natatandaan ko nang ipa-bless ko ang aking sasakyan sa Antipolo Church. Nagbiro ang pari na “Ang blessing ko ay hanggang 80 kilometers per hour lang ha. ‘Di ko na sagot pag lumampas na r’yan.” Ibig sabihin ng pari ay kailangan ding mag-ingat sa pagmamaneho.

Marahil ay may balak din si Chairman na ipa-bless ang Commonwealth Avenue na marami na ring aksidente ang nangyari kaya’t tinaguriang “Killer Highway”. Madalas na magkaroon ng aksidente rito dahil sa napakaluwang na kalye kaya’t nilagyan ng speed limit na 60 kilometers – isang mungkahi ko noon maraming taon na ang nakalipas noong konsehal pa ako ng Quezon City. Noon ay ma-rami akong natanggap na pagpuna. Buti na lang at sa panahon ni Chairman Tolentino ay tinalaga na rin ang 60kph na speed limit sa Commonwealth Avenue.

Mainam na rin na tularan ang halmbawa ni Chairman Tolentino sa ibang kalye sa Metro Manila. Kahit ang mayor o barangay chairman at Parish Priest o Pastor ng iba pang pananampalataya ay dumalo at sama-samang ma-nalangin para sa Road Safety and Discipline. At lahat din ng motorista na manalangin na patnubayan ang kanilang biyahe at bigyan sila ng mahabang pasensya sa araw-araw na  trapik na binubuno ng lahat. Ipanalangin din natin na mailayo sa tukso ng kotong ang ating mga traffic enforcer na hanggang ngayon ay talamak pa rin.

Minsan ay may nakita ako na mga traffic enforcers sa may Aurora Boulevard harap ng SM Mezza na sa may helmet na nakasabit sa motor niya linalagay ang “kotong collection.”

Ipinakita ni Chairman Tolentino ang kababaan ng kanyang kalooban at pananampalataya sa Panginoon. Kailangan din na ang lahat, MMDA empolyees, traffic enforcers, motorista at iba pa ay magpakita rin ng suporta at disiplina.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply