Bloodletting sa Marikina Sports Park

BILANG pagdiriwang ng Blood Donors’ Month ngayong Hulyo, ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng City Health Office (CHO) ay magsasagawa ng mobile blood donation project sa Lunes, ika-9 ng Hulyo, mula ika-8 ng umaga hanggang ika-3 ng hapon sa ikalawang palapag ng Marikina Sports Building.

Layong makalikom ng 300-500 bag ng dugo, ang aktibidad na ito ay susuporta sa pangangailangan sa dugo ng Philippine Blood Center at Amang Rodriguez Memorial Medical Center.

Dahil sa kadakilaan ng proyekto, hinihikayat ni Mayor Del De Guzman na makiisa ang lahat ng Marikenyong may kakayahang magbahagi ng dugo .

“Hinihikayat natin ang mga mamamayan na magbahagi ng kanilang dugo upang makatulong tayong madugtungan ang buhay ng mga kababayan nating nangangailangan nito,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Maaaring magbigay ng dugo ang mga Marikenyo na edad 18 hanggang 60 taong gulang. Samantala, para naman sa mga minor de edad na nais magbahagi ng kanilang dugo, kailangan iprisinta ang liham na nagpapahintulot (consent lettter) mula sa kanilang magulang o taga pag-alaga.

Ang mga donor ay isasailalim muna sa isang screening o medical examination upang matukoy kung ang mga ito ay maaaring magbigay ng dugo.

Ang lahat ng donor ay makatatanggap ng Sagip Ka 2000 insurance card na maaaring magamit sa ilang serbisyong medikal tulad ng ambulance services, medical reimburesement (kung naaksidente), at burial assistance.

Ang proyektong ito itinataguyod ng Sagip Ka 2000, Philippine Blood Center, at Amang Rodriguez Medical Center.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply