Bold actor of the 80s, todo bigay kung panggigilan ang indie actor

TRUE nga ang madalas mong sabihin amigang Pete na “yesterday’s trade is today’s competition”, na akma at nangyayari ngayon sa isa sa pinantasya nating balbonic bold actor noong dekada 80.

Yes, confirmed ang matagal na nating naririnig na nag-transform na sa pagka-baklita si nasabing sexy actor. Kung dati ay siya ang nagpapatikim sa mga bayota sa Pinas at ibang bansa, now, siya na ang humahada sa kalalakihan.

Naloka nga sa kanya ang kapartner na baguhang actor sa ginagawa nilang gay indie movie dahil sa bigay na bigay siya (veteran bold actor) sa churvahan scene nila kung saan nilabas pa nga raw nito ang kanyang tounge at halos ikiskis na ang kanyang hindi naman kadakilaang notes sa indie actor na ating tinutukoy.

At dahil sana’y naman sa pagpapatikim sa bading si newcomer ay pinagbigyan nito ang hilig ni bold actor na magaling na singer mapa-entablado man o live microphone man.

Ang siyete ng mga intrigera, baka raw todo bigay ito sa kanyang comeback movie ay para mapan- sin siyang muli ng industriya. Sana naman gyud!

***

Kim Chiu makikipagtagisan nang pag-arte kay Ate Vi sa The Healing

LAKING swerte ang turing ng primetime princess na si Kim Chiu sa natatanging pagsasama nila sa kauna-unahang pagkakataon ng Star for All Seasons na si Vilma Santos sa pinakabagong horror-suspense film ng Star Cinema na The Healing na ipalalabas na sa July 25.

“Napakagandang experience ang makatrabaho ko si Ate Vi. Ang dami kong natutunan sa kanya as an actress and as a person. Parang nag-grow ‘yung acting ko dahil po sa kanya,” pahayag ni Kim, na ayon mismo kay Ate ay personal niyang pinili na makasama sa kauna-unahan niyang suspense-horror na pelikula na bahagi ng engrandeng selebrasyon sa kanyang ika-50 anibersaryo sa showbiz.

Hinding-hindi raw makalilimutan ng kauna-unahang Pinoy Big Brother Teen Edition big winner ang labis na suportang natanggap niya mula sa Star for All Seasons upang bigyang buhay ang misteryoso niyang karakter sa pelikula na dapat abangan ng lahat.

“Si Ate Vi, sobra siyang approachable at down-to-earth. Walang ‘wall,’ parang kahit sino pwedeng kumausap sa kanya,” sabi ni Kim. “Pwede mong ikwento lahat sa kanya, mahihiya ka na lang sa sobrang bait niya.”

Dagdag pa ni Kim, napakalaking bagay sa pagganap niya ang kabutihan ni Ate Vi na tulungan siya lalo na sa mga mabibigat nilang eksena sa The Healing na kuwento tungkol sa tradisyon ng mga Pilipino na tumungo sa faith healers upang magpagaling.

Sabi ni Ate Vi, huwag mong sasayangin ang eksena. Ibigay mo na, minsan lang ito mangyari. Huwag mong isipin na ako si Ate Vi.’

Sa inspirasyong hatid sa kanya ng Star for All Seasons, todo-bigay si Kim sa bawat mapanghamong eksena niya sa The Healing na nakatakdang ilunsad ang pagiging isang ganap niyang aktres.

“Sobrang professional ng lahat nang katrabaho ko. Pagdating ko sa set, dapat kabisado ko na ang linya ko, dapat prepared na ako kasi katrabaho ko si Direk Chito Rono at buong team namin, plus Governor Vilma pa,” sabi niya.

Bilang pagpupugay sa 50th anniversary ni Ate Vi, isang powerhouse cast ang binuo ng Star Cinema para sa The Healing. Bukod kay Kim, kasama rin sa pelikula sina Janice de Belen, Mark Gil, Martin del Rosario, Allan Paule, Cris Villanueva, Daria Ramirez, Ces Quesada, Ynez Veneracion, Simon Ibarra, Abi Bautista, Joel Torre, Chinggoy Alonso, Mon Confiado, Carmi Martin and Pokwang!

Ang nasabing pelikula ay mapanonood na sa mga sinehan nationwide sa July 25, 2012!

For more updates on, simply visit www.StarCinema.com.ph, or like the movie’s official page, http://facebook.- com/TheHealingFilm, http://facebook.com/StarCinema or http://twitter.com/StarCinema.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply