Botohan ng JBC para sa next CJ hiniling na ipagpaliban

NAIS ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na ipagpaliban sa Lunes ang botohan ng mga miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC) para sa shortlist na isusumite sa Malacañang na pagpipilian ni Pangulong Noynoy Aquino sa susunod na magiging chief justice.

“Dapat munang resolbahin ang kontrobersiya sa kasalukuyang kumposisyon ng lupon upang hindi mabahiran ng isyu ang susunod na chief justice,” ani Kiko.

Nauna nang nagpasya ang liderato ng Senado at Kamara na hindi sila magpapadala ng kinatawan sa JBC matapos ang kautusan ng Korte Suprema na dapat iisa lamang ang kinatawan ng buong Kongreso sa naturang lupon.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply