Breast cancer, leukemia sakop na ng PhilHealth

SAKOP na rin ng PhilHealth sa ilalim ng mga bagong benepisyo nito na tinatawag na “Z benefits” ang mga tinatawag na catastrophic illnesses tulad ng early stage breast cancer, prostate cancer at childhood acute leukemia.

Kahapon inilunsad ng PhilHealth ang ‘Z Benefits’ o ang bagong benepisyo na sumasakop sa mga catastrophic illnesses o yaong mga sakit na ‘catastrophic’ hindi lamang sa kalusugan ng isang tao kundi maging sa sitwasyong pinansiyal nito.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, chairman ng PhilHealth Board, sa ilalim ng Z Benefits, magbabayad ang PhilHealth ng P100,000 para sa breast cancer, P210,000 para sa standard risk childhood acute lymphocytic leukemia, at P100,000 rin para sa prostate cancer.

Ayon kay Ona, pinakamahalagang bahagi ng naturang bagong benepisyo ng PhilHealth ay hindi na kinakailangan pang magbayad kahit magkano ang mga mahihirap na kabilang sa National Housing Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR), gayundin ang mga ini-enroll ng local government units sa ilalim ng Sponsored Program ng PhilHealth, sakaling gamutin sila sa mga nasabing karamdaman sa may 22 identified hospitals na kinontrata para sa Z-benefit package.

“The most important part is that the poor, as identified by the NHTS-PR as well as those enrolled by the local government units under PhilHealth’s Sponsored Program, need not pay a cent when they get treated for these diseases in 22 identified hospitals contracted to provide the Z-benefit package,” ani Ona.

“For our poor, there will be no-balance billing, or walang dagdag bayad,” dagdag pa ng Kalihim.

Bukod kay Ona, sinaksihan rin ng Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang paglulunsad ng naturang Z-Benefit package.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply