Brgy chairman patay sa pamamaril

LA UNION – Isang barangay chairman ang namatay matapos itong pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Cabarsican, Bacnotan, sa nasabing lalawigan.

Dead on the spot ang biktima na nakilalang si Apolonio Renunos, barangay chairman ng Cabarsican.

Sa inisyal na imbestigayon ng La Union Philippine National Police (PNP), naganap ang insidente bandang 5:30 ng madaling araw sa harap ng talyer ng biktima.

Ayon sa pahayag ng asawa ni Renunos na si Beatriz, kasalukuyang binubuksan ng biktima ang gate ng kanilang talyer nang biglang lumapit ang suspek at agad itong pinagbabaril.

Ayon sa lokal na pulis, agad na sumakay ang suspek sa isang kulay green na van matapos ang pamamaril.

Sa pagsisiyasat, gumamit ang suspek ng .45 pistol sa pag patay kay Renunos.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng follow-up investigation ang La Union police upang alamin kung ano ang motibo ng pamamaril.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply