Brgy kagawad arestado sa pamamaril

LAOAG CITY – Isang barangay kagawad ngayon ang humihimas ng malamig na rehas matapos itong mahuli at inakusahang pagpatay sa kayang kapitbahay si Barangay Solquiano, Dingras, Ilocos Norte.

Kinilala ang suspek na si Antonio Moises Jr., ng nasabing barangay.

Sa inisyal na imbestigayon ni Dingras Philippine National Police (PNP)  Chief Inspector Neoson Pacalso, nagkaroon ng pagtatalo ang biktimang si Marlon Regidor at asawa nitong si Renabeth na kung saan tumakbo ang asawa ng biktima sa bahay ng suspek para humingi ng tulong.

Sa puntong iyon, pumunta ang biktima sa bahay ng suspek at doon umano’y nagsisisigaw upang palabasin ang kanyang asawa.

Dahil sa iskandalong ginawa ng biktima, lumabas umano ang suspek at doon pinag babaril si Regido. Hindi na umabot ng buhay matapos isugod sa pinakamalapit na ospital.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply