Brgy. kagawad sugatan sa pamamaril sa Quiapo

INOOBSERBAHAN ngayon sa University of Santo Tomas Hospital ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin mismo sa harap ng isang barangay hall sa Quiapo, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Kagawad Amir Kasan ng Barangay 39, District 3 sa Quiapo, Maynila.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, ilan umano ang nakakita na dalawang hindi nakilalang suspek ang namaril sa biktima kung saan kaswal lamang na naglakad palayo sa pinangyarihan ng insidente.

Agad namang naisugod ang biktima sa nasabing pagamutan matapos magtamo ng tama ng bala sa katawan.

Nakarekober naman ang pulisya ng tatlong basyo ng .45 kalibre ng baril sa crime scene.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply