Bridging two different cultures (2)

HINDI nalulugi bagkus ay namumutiktik pa rin ang mga hog raising industry sa a-ting bansa.

Katagumpayan sa pamilya at maging sa trabaho- ‘Yan ang tinatamasa ni Annabelle Dao Kaew, isang Filipina sa Thailand.

Matapos makapag-asawa ng isang Thai na nakilala niya sa Pilipinas noong nasa kolehiyo, at matapos harapin ang hamon ng pakikipamayan sa bansa ng mga dayuhan, ay nagawang pagtagumpayan ni Annabelle ang mga hamong gaya ng magkaibang wika, kultura at paniniwala.

Ang mga pagsubok na ito ay hindi lamang niya basta nalam-pasan sapagkat habang hinaharap niya ang mga ito ay nagawa pa niyang ipakilala, ipakita at ipatikim sa mga ito ang kultura, paniniwala at maging ang mga pagkaing Pinoy.

Hindi lamang sa buhay may-asawa nagtagumpay si Annabelle kundi maging sa trabaho rin.

Isa siyang PR Manager sa isang kilalang Hotel sa Bangkok – ang Four Seasons Hotel. Kilala ang Four Seasons Hotel bilang panuluyan ng mga business traveler na mula pa sa Estados Unidos, Japan, at maging sa ilang bansa sa Europa at Asya, subalit nilalayon ni PR manager na ipakilala rin ito sa mga leisure travelers.

Sa aking panayam kay Annabelle ay natuklasan kong hindi rin pala biro ang kanyang pinagdaanan bago niya nakamit ang kanyang posisyon ngayon.

Dating admin assistant lang sa financial controller si Annabelle sa isang hotel noon, at nagpa-part-time sa pagtuturo ng English. Di kalaunan ay napalipat siya bilang admin assistant to assistant executive manager. Hanggang sa mapansin ang kanyang galing at naiibang dedikasyon sa trabaho kung kaya’t mula sa pagiging isang admin assistant ay na-promote siya bilang isang PR coordinator, at di kalaunan ay na-promote bilang isang PR manager. Ayon kay Annabelle,  maganda ang tingin ng mga Thai sa mga Filipino pagdating sa trabaho, sapagkat hindi lamang basta masisipag, bagkus ay may naiibang dedikasyon at galing pa.

Sa kabila ng katagumpayang tinatamasa ngayon ni Annabelle sa Thailand ay hindi pa rin niya nalilimot ang bansang kanyang pinagmulan, ayon sa kanya ay halos taon- taon siyang bumibisita sa Pilipinas, hindi lamang upang dalawin ang mga kamag-anak niyang naiwan dito, kundi upang balikan na rin ang kanyang nakaraan at bansang kanyang pinanggalingan.

“You should love your country and the Filipino themselves, ‘wag n’yo sasabihin na porke’t nandun kayo sa ibang country at successful kayo eh hindi ako Pinoy, hindi ako galing ng Pilipinas, don’t do that and if possible if you have opportunities to promote your own country in other nationalities, please do.” Madamdaming pahayag niya.

Masasabing unti-unti at tila pagtawid sa isang tulay ang tagumpay ni Annabelle, mahirap at puno ng pagsubok, subali’t sa kanyang ginawa ay hindi lamang niya basta naabot ang kanyang mga pangarap nagsilbi rin siyang isang tulay upang makilala ng bansang Thailand ang galing ng mga Pilipino.

At nang akin siyang tanungin kung ano ang susi ng kanyang tagumpay, ito ang kanyang isinagot sa akin- “It is really motivation and the interest.” Wika niya.

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan over-seas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi.

Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply