Buddhist leader dumating sa Pinas

DUMATING kanina sa bansa si His Holiness Sakya Trizin, kapareho ng Santo Papa ang katayuan sa Buddhist religion, upang magsagawa ng serye ng religious activities at charity works.

Tinaguriang `Supreme Head of the Sakya lineage of Tibetan Buddhism’, si H.H. Trizin ay dumating lulan ng Philippine Airlines flight PR-897 sa NAIA Terminal 2 dakong 12:45 ng hapon,  na sinalubong sa paliparan ng kanyang loyal followers na pinangunahan nina Manila third district Councilor Bernie Ang, Ana Sy, at nina Robert Go at Malou Chan ng Chong Fu Temple.

Ang 66-anyos na pinakamataas na Buddhist leader  at ang kanyang mga kasamahan ay matagal nang bumibisita sa iba’t ibang bansa gaya ng America, Europe at India, upang ibahagi ang mga mahahalagang turo at nagdala din ng kaalaman ng Sakya treasures sa Latin America sa kauna-unahang pagkakataon.

Sa kanyang maikling mensahe,  sinabi ni H.H. Trizin na malaking kasiyahan sa kanya na makilala ang kanyang mga kapatid sa bansa, kasabay ng paghayag ng pag-asa na ang iba’t ibang tradisyon at major religions ay magkakaisa upang gawing mas tahimik at masaya ang
mundo.

Mananatili si H.H. Trizin sa bansa hanggang Agosto 9 di lamang upang palawigin ang paniniwalang Buddhism kundi upang pangunahan din ang serye ng religious activities at charitable works bukod sa pagbusog ng mga pangangailangang pang-kaluluwa.

Bukas, July 31, siya  ay nakatakdang magsagawa ng courtesy visit kay Manila Mayor Alfredo S. Lim sa City Hall gayundin kay Vice President Jejomar Binay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply