Buhawi, nanalasa sa N. Cotabato, P2.5M na pananim nasira

NANALASA ang isang buhawi sa ilang parte ng  Antipas, isang barangay North Cotabato, at winasak ang may P2.5 milyong halaga ng banana ar rubber tree plantations, kabilang ang maisan dakong alas 7:45 a.m., nitong Sabado ng umaga, ayon sa ulat ng pulisya.

Wala namang nasaktan o namatay sa insidente, ayon kay Police Inspector Felix Fornan, hepe ng  Antipas municipal police.

Sinabi ni Fornan na nasira ng malakas na buhawi ang ilang ektarya ng agricultural fields na pag-aari ng may 10 magsasaka sa Barangay Canaan at Camutan.

Kabilang sa mga naapektuhan ng tornado ay ang banana at rubber plantations na pag-aari ni  Barangay Canaan chairman Daniel Golosino, na siya ring chairman ng the Association of Barangay Chairmen (ABC) sa Antipas town.

Winasak din ang sakahan ng pag-aari ni Dante Ambol at Renante Sarbon, sa Barangay Canaan, ayon sa ulat naman ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC).

Sinabi ni Fornan na bago nanalasa ang buhawi, nakaranas muna ang mga residente ng malakas na pag-ihip ng hangin kasunod ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Naramdaman din ng mga residente sa Poblacion area na may 15 kilometro ang layo sa mga naapektuhang barangay ang kakaibang malakas na hangin.

Dahil sa pangyayari, sinabi ni Fornan na ipinagtataka na ng mga residente sa lugar kung bakit madalas na ngayong manalasa ang buhawi sa kanilang lugar.

Ang buhawi nitong nakaraang Sabdo ay ikatlo na ngayong taon at ang pinakamalakas at mapaminsala.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply