Buhay na mga korales nasabat ng BFAR

NASABAT ng inspection team ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang 149 piraso ng buhay na korales na dadalhin sana sa Japan.

Ayon kina BOC Examiner Theresa Go, BOC Custom Guard Julius Raon, at BFAR Quarantine Officer Francisco Taborda, nasabat ang shipment ng 33 kahong tumitimbang ng 631 kilo na nakatago sa ilalim ng kahon ng buhay na tropical aquarium fishes noong July 12 sa Miascor Cargo warehouse sa Parañaque.

Dadalhin sana ang mga ito sa Fukuoka, Japan sakay ng Aseana Airlines flight OZ 704.

Ang buhay na brain corals ay nagkakahalaga ng mula US$30 hanggang US$80 bawat isa depende sa kulay at laki.

Ayon kay Fisheries Quarantine Officer Ben Curativo, ang may-ari ng shipment ay ang Seri International Enterprises na may opisina sa 857 Santiago St., Gatchalian Subdivision, Manuyo II sa Las Piñas.

Ang consignee ay ang Media Net Corporation, 2-1-7 Nishi Takasu, Wakamatsu-Ku in Japan.

Ayon naman kay BFAR Director Atty. Asis G. Perez, hindi bawal na i-export ang buhay na tropical fishes ngunit ang corals, buhay man o patay ay bawal na bawal.

Binigyang diin pa ni Perez na mananatiling mahigpit ang BFAR sa kampanya na masawata ang iligal na trading ng  threatened at endangered species na isda at iba pang laman dagat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply