Building owners pinaghahanda sa bagyo

PINAGHAHANDA ng lokal na pamahalaan ng Makati ang mga building owner, developers at contractors para maiwasan ang matinding pinsala na maaaring idulot ng bagyo at iba pang kalamidad.

Ang anunsyo ng Makati government ay kasunod ng walang humpay na ulan kahapon (Hulyo 3) at sunod-sunod na pagpasok ng sama ng panahon sa bansa.

Ayon kay Engineer Nelson Morales ng city engineer ng Makati City, ang paghahanda ay isang paraan para maiwasan ang aksidente o pinsala sa ari-arian sa tuwing may bagyo na tumatama sa bansa.

Sinabi ni Mirales na dapat ay tiyaking ligtas ang mga gusali, mga itinatayong gusali, demolition at excavation, mga billboard at iba pang istraktura na maaaring pagmulan ng aksidente sa tuwing may bagyo.

Pinayuhan din nito ang mga may-ari ng mga high rise building na maglagay ng seismograph para ma-monitor ang reaksyon ng gusali sa lindol maging sa hagupit ng hangin sa tuwing bumabagyo.

Dapat din tiyakin na sumusunod ang mga contractor sa itinatayong gusali sa National Structural Code of the Philippines at siguruhin na handa lahat ng mga safety equipment at safety measures sa mga gusali.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply