Bulakenyo sasama sa anti-SONA rally bukas

MALOLOS CITY– Daan-daang Bulakenyo mula sa hanay ng mga namamalaisdaan, estudyante at non-government organizations na sumusuporta sa Bantay Partylist ni Retired General Jovito Palparan ang inaasahang sasama sa anti-SONA rally sa Lunes.

Sa impormasyong nakarating sa Bulakan Press Club Inc. pangungunahan ni Mrs. Evangeline Palparan, asawa ng dating commanding officer ng 56th Infantry Battalion ng Philippines Army na natalaga sa Northern Samar Central Luzon at Northern Luzon, ang naturang anti-SONA rally kasama ang mga opisyal at miyembro ng Palaisdaan-Central Luzon sa pangunguna nina Milan Mendoza at Teodorico Espique.

Layunin ng kanilang pakikiisa sa rali ang paghingi ng katarungan at kalayaan sa kinahaharap na kaso ni Palparan sa Malolos Regional Trial Court kung saan pinagkaitan itong makapagpiyansa.

Matatandaang inabswelto ng Department of Justice si Gen. Palparan sa kasong pagdukot sa dalawang estudyante dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya noong nakaraang taon.

Ngunit muli itong naisampa sa Malolos RTC at doon nagkaroon ng warrant of arrest si Palparan at iba pang mga kasamahan nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply