Bulldogs maugong sa 75th UAAP

KILALANG whipping boys ang National University Bulldogs pagdating sa basketball subalit ang pagpasok nila sa Final Four nakaraang taon ay nabago ang kanilang imahe.

Sa pagbubukas ng 75th UAAP men’s basketball tournament sa Sabado sa Mall of Asia Arena ay masusubukan ang tibay ng pangil ng Bulldogs laban sa nag-iinit na University of the East Red Warriors.

Sasandalan ng host school NU si reigning Most Valuable Player Bobby Ray Parks Jr. na nadala niya ang Bulldogs sa semis nakaraang season kung saan ay rookie player lang siya.

Nagpakita rin ng lakas ang Bulldogs ng magkapeon ito sa FilOil Flying V Preseason Cup kaya halos hindi masabi ng mga coaches na makakapasok sila sa top four dahil nagsilakasan ang ibang teams.

“The UAAP is a different league.” ani Bulldogs coach Eric Altamirano. “We had a good summer tournament at sana madala namin ito sa UAAP.”

Bukod kay Parks, kukuha rin sila ng tapang kay Cameroonian center Emmanuel Mbe.

Ayon naman kay defending champion Ateneo Blue Eagle coach Norman Black ay hindi magiging madalai para sa kanilang ang masungkit ang ikalimang sunod na kampeonato.

“It’s not going to be easy, UST will be very tough this year as well as NU and La Salle.” saad ni coach Black.

Samantala, diniin naman ni Red Warrior head coach na kahit malalakas ang kanilang makakalaban ay mananatili silang lalaban.

Sa ganap na 2 ng hapon ang banggaan ng Bulldogs at Red Warriors pagkatapos ay susunod ang dalawang championship contenders University of Santo Tomas Growling Tigers at Far Eastern University Tamaraws sa alas 4 ng hapon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply