Bulldogs under protest ang panalo

NAGWAGI kahapon ang National University Bulldogs laban sa University of the East Red Warriors, 90-55 sa 75th UAAP men’s senior basketball tournament na ginanap sa state-of-the-art Mall of Asia Arena.

Subalit, ilang minuto pagkatapos ng laban ay umugong na ipo-protesta ng UE ang uniforms ng ilang players ng Bulldogs na walang logo ng sponsors Anta.

Unang napansin ng tropa ni Red Warriors coach Jerry Cordiñera na mismatch ang uniform ni Camerronian center Emmanuel Mbe sa mga kakampi nito sa NU at ilang minuto lang ay napansin na pati ibang Bulldogs player ay may problema sa jersey nila.

Hindi pinayagan ng game officials na maglaro si Mbe dahil incomplete ang uniporme nito kaya naman kinuha pa nila ang isang set ng uniform sa kanilang eskuwelahan.

“Hindi napansin na walang numero ‘yung harapan ng uniform ni Mbe kaya kinuha pa namin mula sa school yung isang set.” patungkol ni coach Eric Altamirano sa uniporme ni Mbe.

Second half pumasok si Mbe at umiskor lang ito ng four points sa 14 na minutong paglalaro.

Ayon naman kay NU atheletic director at UAAP Board secretary Junel Baculi dapat ihain nila sa board ‘yung planong protesta ng UE.

“They have to make proper challenge,” wika ni Baculi.

May ibinigay na 48 oras si commissioner Ato Badolato sa UE para i submit ang kanilang protesta sa UAAP board.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply