Bumabalik na plastik

PAG-AARALAN ng Metropo-litan Manila Development Authority (MMDA) kung may direktang relasyon ang hindi pagbaha sa ilang lugar—tulad ng Pasig at Muntinlupa—at pagbabawal sa paggamit ng plastic bags sa mga ito sa ka-bila ng malakas na pag-ulan kamakailan.

Ang parati ngang bina-banggit ng isang istasyon ng radio: “Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?”

Kesa naman maakusahang tanga o nagtatanga-tangahan, dapat nang tanggapin ni MMDA Chairman Francis Tolentino na meron nga.

Isandaan at walumpu’t dalawang track ng basura ang naipon matapos ang baha noong nakaraang Martes. Karamihan sa mga ito ay plastic—mga bag, pakete ng kendi, biskwit, lalagyan ng shampoo, etc.

Saan sila nakuha? Nan-doon at nakabara sa mga la-gusan ng tubig-ulan. Kasi na-man ay marami ang walang pakundangan sa paggamit ng plastic bags ng mga tindahan at supermarket.

Tutal ay nabanggit na ang supermarket, subukan kaya nating tumambay maghapon doon at bilangin kung ilang plastic bag ang ginagamit nito upang ipambalot sa mga binili ng sangkatutak nitong kostu-mer?

Sa isang supermarket pa lang ‘yan. Kung pagsasama-samahin kaya natin ang gina-mit ng lahat ng mga super-market, tindahan at pati na mga street vendor sa buong Metro Manila? Tiyak na na-kalulula ang kalalabasang bilang.

Hindi kilala ang mga Pi-noy bilang mga mamamayang maalaga sa kapaligiran. Bi-hira na ngang makakita ng mga nagwawalis ng paligid at sa harap ng bahay. Kahit na alam na mali, pasimple pa ring itatapon kung saan-saan lang ang pambalot ng kinaing kendi o biskwit.

Darating ang ulan. Aalunin ng tubig-ulan ang mga plastik patungo sa drainage, kung saan maiipon ang mga ito. Mababara ito. Bakit? Hindi tulad ng papel na agad madu-durog kapag nabasa, 10 taon ang inaabot na panahon bago ma-break down ang isang manipis na plastic bag.

Naniniwala ba kayo sa “karma” na nagsasabing ba-balik sa iyo ang masamang ginawa mo? ‘Yan ang nang-yayari sa Kamaynilaan tuwing tag-ulan. ‘Yung plastik na tinapon mo, babalik sa iyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply