Burger stand pinasabog ng BF, dalaga nalapnos

NALAPNOS ang mukha at katawan ng isang dalaga nang pasabugin ng kanyang dating nobyo ang pinapasukang burger stand sa Albay kaninang madaling-araw.

Nakaratay sa hindi ibinunyag na pagamutan sanhi ng paso sa mukha at sa iba’t ibang parte ng katawan si Charo Mendoza, 28, ng Pinaric, Legaspi City.

Sinuwerteng hindi nasabugan ng pag-liyab ng apoy ang naka-babatang kapatid ni Charo na si Shiela Mendoza, 21.

Pinaghahanap na ngayon ng awtoridad para panagutin sa krimen ang suspek na si Arnold Bongkolin, walang tiyak na tirahan.

Naganap ang insidente 1:30 madaling-araw sa isang burger stand na pinag-tatrabahuan ni Charo sa Legaspi  City.

Ayon kay Chief Inspector Damian Rejano ng Bureau of Fire Protection (BFP), bago ang insidente ay napansin na paali-aligid na ang suspek sa burger stand na pina-pasukan ng biktima.

Nang maka-tiyempo, bigla itong sumulpot at binuksan ang siradura ng gas stove at saka hinagisan ng may sinding palito ng posporo dahilan para masabugan ang biktima.

Napag-alaman na hindi matanggap ng suspek ang kanilang paghihiwalay at kahit anong gawin nitong panunuyo ay ayaw nang maki-pagbalikan pa sa kanya ng biktima.

Samantala, bukod sa nasunog na burger stand nadamay din ang pito pang katabing establisimyento kaya tinatayang aabot sa milyong halaga ang pinsala sa insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply