Bus driver patay sa bangungot

HINIHINALANG dahil sa sobrang pagod kaya binangungot at namatay ang isang provincial bus driver ilang oras matapos itong gumarahe sa terminal sa Sampaloc, Maynila kaninang madaling araw.

Kinilala ni SPO2 Glenzor Vallejo ang biktima na si Francisco Nullar, 28, residente ng Taguddin Ilocos Sur.

Dakong alas-4:00 ng madal;ing araw ng madiskubre ng kundoktor na si Nilo Pagatpatan, 35, ang biktima habang nakahiga sa upuan ng Florida bus.

Ayon kay Pagatpatan, hihiramin umano sana ng isa pa nilang kasamahang driver ang battery truck ng bus na hawak ng biktima kaya ginising nila ito ngunit napansin nilang hindi na gumagalaw at humihinga.

Naniniwala naman ang ilang kasamahan ng biktima na posibleng nasobrahan ito sa pagod sa kanyang magmamaneho mula sa Laoag, Ilocos Norte patungong Maynila o kaya binangungot ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply