Bus nawalan ng kontrol: 18 sugatan sa Quezon

TINATAYANG 18 ang sugatan makaraang mawalan ng control ang isang bus papuntang Metro Manila galing Bicol sa Quezon province kaninang madaling araw.

Nabatid na nawalan ng control ang naturang bus habang binabatas ang bayan ng Pagbilao bandang alas-3:30 ng medaling araw.

“Sabi ng driver nawalan ng preno at ang kaliwang gulong nahulog sa open canal kaya nahulog sa left side down,” ayon sa panayam sa dzBB kay Pagbilao police investigator PO3 Allan Palqueza.

Nabatid na galing ng Naga City, Bicol ang bus papunta sana ng Pasay City sa Metro Manila nang maganap ang aksidente.

Ayon pa kay Palqueza, inalis ng mga rescue team ang naturang mga biktima mula sa bus kasama na ang driver at agad na isinugod sa malapit na ospital.

Lumalabas din sa imbestigasyon na umuulan sa naturang lugar nang mawalan ng control ang bus.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply