Buwagin ang emperor ng droga sa Masambong, QC

ANG mga tulak sa lugar  daw na ‘yan ay bine-baby  kaya hindi hinuhuli ng mga kapulisan ng Quezon City Police District (QCPD) dahil nagbibigay daw ang mga ito  ng payola sa Masambong Police Station 2  at sa Camp Caringal.

Aba ‘yun naman pala, may payola naman pala ang kapulisan ng Masambong at Camp Caringal.

Totoo ba Masambong PS2 Commander Supt. Pedro Sanchez ang ipinamamalita ng mga tulak sa lugar mo na may payola ang tanggapan mo?

Kung wala kernel  ay ano pa ang ginagawa nyo?

Bakit hindi kayo kumilos.

Basahin n’yo ang nilalaman ng text messages ng  concern citizen sa lugar mo.

Sir Johnny Magalona ng Juan de Sabog, magandang araw, sobrang dami nang mga adik at mga big-time na  tulak dito sa West Riverside St., Brgy. Del Monte Quezon City. Palaging may gulo sa aming lugar at dahil sa droga ay nadaramay tuloy ang mga anak namin. Ipinagmamalaki pa ng mga adik at tulak dito na hindi sila puwedeng hulihin ng mga pulis sa Masambong Police Station 2 at Camp Caringal  dahil sa nagbibigay raw sila ng pera para sa kanilang proteksyon. Ang mga tulak rito ay sina Ape, Arnold,  Ontoy,  Pangking, Titoy at ang mga mastermind nila ay sina Kokong at  isang Bong.

Sana, Sir Johnny, tulu-ngan ninyo kami na para-tingin ang aming reklamo sa Philippine Drugs Enforcement  Agency (PDEA) .

ASTIG SA CIDG SA KOTONG?

Naku po nasa Northern Police District (NPD) CIDG-Sector na pala itong si Maj. Magdaluyo na dating sa Cavite at nalipat sa QC pero ngayon nasa NPD na.

Ubod ng lakas ang mamang pulis na ito. Pero wala daw ginawa ito kundi ang  ang magpakolekta.

ITUTULOY…

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply