Bwakaw, Pikit-Mata at Kapa, pare-parehong gay movies

PINAKABONGGANG movie ng Cinemalaya na may kabaklaan ang istorya ay ang Bwakaw. Siyempre ang makaka-justified sa tagong baklang role ay si Eddie Garcia.

Yes, role ni Eddie ang 75 years old gay na itinatago niya ito na mahabang taon. Pero naiiba ang pagka-gay niya dahil bukod sa hindi siya ladlad na gay, may puso siya sa ala- gang aso na si Bwakaw. Isang value sa buhay ang natutunan namin na kung ikaw ay siang single, masarap kasama ang aso. Loyal kasi ito sa iyo at very loving pang kasama.

Gayon na lang ang pagmamahal ni Eddie kay Bwakaw na hanggang sa kahuli-hulihang sandali ng aso ay kasama niya ito.

Samantala, ang dalawang gay films na pinipilihan ngayon na commercial ang dating na napanood namin ay ang Pi- kit-Mata at Kapa. Ang Pikit-Mata ay kasama sa Cinemalaya movie na ipinalalabas ngayon sa Cultural Center, Glo- rietta at Trinoma.

Samantala, ang Kapa ay hindi kasama sa Cinemalaya. Ipinalalabas lang ito sa apat na sinehan sa Metro Manila at kabilang dito ang Robinsons Galleria Cinema 8, Remar, Isetann Recto at isa pa.

May kanya-kanyang team ang Pikit-Mata at Kapa. Ang Pikit-Mata ay tumatalakay sa pagmamahalan ng dalawang tunay na magkapatid. Nagtutulungan silang dalawa. Di alam ng mas nakatatandang kapatid na pareho ang kanilang racket sa buhay – ang pumatol sa bakla para pagkakitaan.

Samantala, ang Kapa naman ay friendship ng dalawang bading. Bulag ang isa at isa naman ay nakituloy lang sa ba -hay ng bulag. Halos ibigay ng kaibigan niya ang kanyang buhay para lang makakitang muli ang kaibigang bulag.

Kahit may eksenang romansahan ang tatlong gay movies, napaka-mild sa Bwakaw. Hinalikan lang ni Eddie si Rez Cortez sa lips. Naumbag pa siya ni Rez.

Ang Pikit-Mata at Kapa ay talagang sunud-sunod na eksena ng romansahan ng parehong lalaki. Pero wala kang makikitang frontal nudity.

Si Jun Lana ng GMA 7 ang sumulat at nagdirek ng Bwakaw. Samantalang ang Pikit-Mata ay sinulat at idinirek ni Ronald Carballo at ang Kapa ay sinulat at sinulat ni G.A. Villafuerte.

Sa Bwakaw, bukod kina Eddie at Rez, kasama rin sina Armida Siguion Reyna, Soxy Topacio, Gardo Versoza, Luz Val -dez at iba pa.

Sa  Pikit-Mata naman ay tampok ang mga baguhang sina Victor Escobar at Jay Austria. Supported nina Nadia Monte -negro, Ernie Garcia, Julio Diaz, Soxy Topacio, Mike Lloren, Romano Vasquez, RS Francisco, Dax Alejandro, Cha- myto Aguedan, Alvin Fortuna, Ross Uy, Dindo Salcedo at Juancho Revilla.
Ang Kapa naman ay tampok sina Alvin Duchett, Darwin Taylo, Kristian Marquez, Wacky Leon, Xyrus Arruejo, Matt- hew Garcia, Miguel Alcantara at introducing si Marco Ronquillo.Produced ang Kapa ng Fortune Arts International at Sunflower Films nina Malou Cruz at Flor Ignacio.

Ang Pikit Mata ay produced ni Ferdinand Lapuz, samantalang ang Bwakaw ay produced ng APT Productions ni Antonio P. Tuviera.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply