Call center trainee, dakip sa fake NBI clearance

ISANG call center trainee ang  inaresto matapos na ireklamo ng kanyang employer dahil sa pagggamit ng kwestyunableng  clearance ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sa progress report ng NBI ,dinakip sa bisa ng warrant of arrest si Michael Paul Chris A. Rubio, 24 ng 438 Scout Delgado, Brgy, Laging Handa, Quezon City sa kanyang pinagtratrabahuhang call center sa Cubao ,Quezon City.

Ang pagkakatimbog kay Rubio ay matapos na ipaberipika ng multi-national call center company ang NBI clearance na isinumite ng suspek sa naturang kompanya na bandang huli ay napatunayang pineke.

Sa kanyang NBI clearance, walang anumang record ng kaso si Rubio ngunit nang beripikahin siya ay wanted sa iba’t ibang uri ng krimen.

Kabilang sa mga kasong kinakaharap ng akusado ay robbery, dalawang attempted murder at carnapping sa tatlong sangay ng Quezon city Regional Trial Court.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply