Camp commander ng Kampo Karingal, untouchable

HINDI lang pala mga sibilyan ang nakararanas at nakatitikim ng kagaspangan ng ugali nitong camp commander ng Kampo Karingal kundi maging ang mga pulis din ng Quezon City Police District (QCPD).

Ilang pulis ng QCPD ang ating nakausap bago at pagkatapos ng SONA at iisa ang kanilang mga sinasabi, hindi dapat maging camp commander ang katulad nitong si Supt. Rolando Bumagat, dahil hindi raw ito marunong makisama sa kanyang mga kapuwa pulis lalo na sa hindi opisyal.

Hindi lang maangas ang opisyal na ito kundi magaling din itong manghiya sa kanyang mga kabaro lalo na sa mga sibilyan na pumapasok ng kampo na nakatsinelas lang. Mismong mga tauhan nitong si Bumagat na naka-duty riyan sa may gate ng Kampo Karingal ay walang magawa kapag tino-pak ang kanilang amo na mambastos at manghiya sa ilang pulis at sibilyan.

Ayon sa mga nakasaksi, ultimong pulis QC na nakatalaga sa Presinto ay kailangang iwan ang kanilang mga baril sa gate para makapasok lang samantalang itong ungas na ito kung makaporma sa loob ng kampo ay akala mo nasa giyera, may nakasukbit na service firearm na may dala-dala pang armalite.

Isa lang po ang ibig sabihin niyan, alam niya na marami siyang kaaway kaya ganyan na lang ang takot niya. Biruin mo nga namang nasa loob na siya ng kampo tapos ganun ang mga kargada niyang armas.

Ano ba yan, QCPD Director Gen. Mario Dela Vega, marami kang opisyal na matitino at mas magaling kaysa ungas na ito, pero bakit ‘di nyo  sila bigyan ng pagkakataong makahawak man lang ng puwesto, hindi yung ganyang isinusuka na ay bilib na bilib pa rin kayo.

Hindi lang pala itong si Bumagat ang untouchable at dapat palitan diyan sa QCPD kundi maging itong hepe ng District Anti-Illigal Drugs o DAID na si Supt. Richard Ang, na napakarami nang sabit pero nasa puwesto pa rin.

Hindi na mabilang sa aking mga daliri ang bulilyaso nitong DAID, pero hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin, bakit ba, dahil ba sa ang DAID ngayon ang sinasabing central bank ng QCPD? Ayon sa ating source, magaling daw kasing gumawa ng pera itong si Ang kung kaya ayaw pakawalan ni Gen. Dela Vega.

Tsk tsk tsk…modus operandi daw ng mga tao ni Ang ang manghuli ng manghuli kung saan-saang lugar sa Quezon City tapos ay dadalhin sa Kampo Karingal at pagkalipas ng mga 30 minuto, ang kanilang dinalang mga tao ay laya na tapos manghuhuli na naman at kapag nag cash-sundo sa loob ay agad ding palalayain.

Aba eh, sa loob ng isang araw, makahuli lang ang DAID ng 50 katao, sa tig-isang libo kada ulo, aba eh, malaki yan, mga tsong, tumataginting na P350 thousand kada linggo at P1.4 naman kada buwan, puwera pa yan doon sa mga nahuhulihan talaga ng droga.

Kaya pala kapit-tuko sa puwesto itong si Ang, katulad din nitong si Bu-matay na kumikita umano sa 15/30 ng mga malatubang pulis at mga negosyante na magbibigay na lang para hindi makapag-duty.

Mahiya naman kayo, mga overstaying na kayo sa mga puwesto n’yo, bigyan n’yo naman ng pagkakataon na makahawak din ng puwesto yung mas magagaling pa kaysa inyo.

Bukas po ang Lily’s files Column natin para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa  09155683000 at 09087230036 o kaya ay mag-email lang sa lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply