Caretaker pinagsasaksak, tigok

PATAY ang isang 50 anyos na caretaker matapos itong pagsasaksakin ng lalaking nangungupahan sa kanyang binabantayang compound sa Binodno, Maynila kagabi.

Agad na nasawi ang biktimang si Jose Yolanda Gabion Sr., may-asawa, tubong Buenavista, Irosin Sorsogon at stay-in sa binabantayang compound sa 155 San Nicolas kanto ng Valderama St. Binondo, Maynila.

Arestado naman at isinasailalim sa imbestigasyon ang suspek na nakilalang si Richard Maranillo, 24, binata, porter, tubong Davao at  nangungupahan sa nasabi ring lugar.

Sa report ni SPO1 Gerardo Rivera, may hawak ng kaso, dakong alass 8:05 kagabi nang maganap ang insidente sa loob ng Araneta Compound na matatagpuan sa nabanggit na lugar.

Sa hindi malamang kadahilanan, bigla na lamang kumuha ng stainless kitchen knife ang suspek kagabi at hinamon ng away ang biktima hanggang sa mauwi sa pananaksak sa biktima na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Agad naman nakapagresponde ang ilang tauhan ng Brgy. 283 Zone 2 District 3 sa Binondo, Maynila sa pangunguna ni kagawad Antonio Guarino  kaya agad na nadakip ang suspek bago iturn-over sa pulisya.

Narekober naman ng pulisya ang kutsilyong ginamit ng suspek  sa loob ng kanilang tinutuluyang quarters na nakalublob sa timba na may tubig.

Patuloy naman ang isinagawang imbestioghasyon ng pulisya sa insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply