Caring na ina pero never naging stage mother

SA presscon ng Kahit Puso’y Masugatan na  magsisimula sa July 9 ay hinulaan si Jake Cuenca na maganda sa kanya ang taong ito para magpakasal.

“Natakot ako. This year, hindi pa. Malayo pa tayo riyan. Pero natakot talaga ako, ako …kasi marrying , nong sinabi. Sa age na 24 merong questions na ini-entertain na kung kailan, paano, ano, kung tamang edad na mag-settle down. Mga tanong na hindi ko tinatanong sa sarili ko three years ago pero obviously not this year,” reaksyon niya.

Tinatanong na ni Jake ang mga katanungang ito dahil nahanap na ba niya? Nakita na ba niya ito kay Lovi Poe?

“Nasa proseso pa. Taking it slow. Kung napagdesisyunan ko sa sarili ko na pag nakapagrelasyon ako ulit, gusto ko desidido na ako, sigurado na ako,” seryoso pa niyang pahayag.

Tinanong din si Jake kung paano siya manugat ng puso? Ano raw ang ginagawa niya pag-alam niyang may nasugatan siyang puso?

“Sa akin naman siyempre, hindi ko intensyon na makasugat ng puso pero siyempre, feeling ko lahat tayo dapat ay masugatan ang puso dahil dun naman mate-test, kung ano ang character natin bilang tao.

“Sa akin naman hindi naman tama na may puso akong nasusugatan. As mush as possible na may nasaktan akong tao, mag-a-apologize ako at gagawin mo ang lahat na maging maayos. Yun nga lang pag nag-apologize ka, hindi tinatanggap ng ibang tao,” sey pa niya.

Ay hindi ba tinanggap ng ex-girlfriend niya ang paghingi niya ng sorry?
Huwag na nating balikan yun, sarado na, e!, sagot niya, na ang pinatutungkulan ay si Melissa Ricks.

“Pero yon nga ang punto ko, minsan mag-a-apologize ka, nasa ibang tao naman kung tatanggapin nila o hindi,” sey pa niya.
Biniro rin siya na pag nakasugat siya ng puso ay may bala raw bang katapat?
“Wala..wala namang katotohanan, yung ganoon,” mabilis niyang tugon.

“Dahil partner niya sa serye sa Iza Calzado na bagong lipat sa Kapamilya, may ibang Kapuso pa ba siyang gustong lumipat?Having Iza Calzado and Andi Eigenmann as leading ladies sobrang ano pa ba ang hihilingin ko, di ba? Ang swerte ko, dati, hindi ko sukat akalain na maging leading man ako, 5 years back siguro. Para malagay ako sa mga teleseryeng ito, napakasuwerte ko, ” deklara ni Jake.

-0o0-

PROUD mom si Sylvia Sanchez dahil maganda ng feedback sa acting ng anak niyang si Arjo Atayde. Mula sa Eboy hanggang sa pagbibida ni Arjo sa MMK titled Bangka. Mga sikat na actor ang nakasabayan ni Arjo sa audition sa role na  yun pero sa kanya napunta ang naturang episode.

Hindi kaya tawaging stage mom si Sylvia dahil katuwang niya ang Star Magic sa pagma-manage sa anak niya?

“Kung ang pagiging stage mom, e, yung sinasabihan ang anak para sa ikabubuti niya na dapat ay marunong siyang makisama sa lahat at maging professional, proud ako na masabihan na stage mom. Pero never kong sinamahan si Arjo sa mga tapings niya,” tugon niya.

Basta sinasabihan ko lang si Arjo na dapat pag pumunta ka sa isang taping, may tinanggap ka, dapat ready ka. Dapat panindigan mo yun. Sinasabihan ko rin na dapat ultimong utility, pakisamahan niya, kahit sino run, hindi lang mga producers at staff. Tapos, nuong nagMMK siya, wala ako, nasa ibang bansa, nag-text siya na  Ma, natatakot ako. First time ko mag-MMK, so, sabi ko, okay lang, dalhin mo ang takot na yun sa eksena, gawin mong challenge yan. Sinabihan ko kasi na pag umaarte ako, inaabot ko ang mga audience.

Kahit nasa loob ako ng tv, sinisigurado ko na inaabot ko ang mga viewers sa puso ko, Kaya ang lagi kong sinasabi, ang key mo sa pag-arte ay body language, mata at higit sa lahat puso. Yun ang ginagamit ko kaya sabi ko sa kanya, yun din ang gamitin niya at hindi siya mapapahiya.

“Dapat pag mapunta sa set, buo ang puso niya, be professional, ayaw kong naririnig na nali-late siya, ayaw kong naririnig na problema siya sa set. Sabi ko rin sa kanya, kaya nga siguro nagtagal ako sa industriyang ito kasi naniniwala ako na hindi lang  yun sa talent, e! Hindi lang sa galing. Kung mabait ka na tao, marunong kang makisama, respeto at mahal mo yung trabaho mo, hindi ka mawawala sa industriya,” bulalas pa niya.

Anyway, may sariling career din naman si Sylvia at hindi siya nababakante kahit nag-aartista na si Arjo. Pagkatapos ng Mundo Man ay Magunaw,  kasali rin siya sa bagong serye nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap na Be Careful With My Heart na magsisimula sa Lunes bago mag-Showtime・

Ano pa ba ang mahihiling niya?

“Sa material na bagay, nakakapagod na tapos meron naman akong mga totoong barkada na nagmamahal sa akin. Nandiyan na ang asawa ko na hanggang ngayon at mahal ako. Nandiyan ang mga anak ko na naglalakihan at may sumusunod sa yapak ko. So, sa tingin ko sa ngayon, wala na akong mahihiling pa. Kasi sa career ko, sunud-sunod, e! Gusto ko lang na lumaki ang mga anak ko na maayos, marespeto sa kapwa nila, yun lang talaga, ” sey ni Sylvia.

Sinong lalaki ang sinabihan niya ng Be Careful With My Heart?

“Siyempre, may mga naging boyfriends ako. Sa mga na-experience ko sa mga ex  ko, pagdating sa asawa ko, siya ang sinabihan ko ng mga pain na naramdaman ko. Ang dami ko nang sakit sa buhay kaya sinasabi ko sa kanya please lang, this time be careful, kasi hindi ko na kakayanin ang sakit. Lagi kong sinasabi sa kanya, ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa mamatay ako, ikaw ang gusto kong makasama hanggang buhay ako sa mundong ito. At ngayong maganda at maayos ang buhay natin, ayaw ko ng problema. Kaya please lang Art (Atayde), be careful,” aniya pa.

Bongga!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply