Carjacker nanlaban, patay

PARANG daga na pinalabas sa lungga ang carnapper na nagtangkang lumaban sa mga awtoridad nang gamitan ito ng teargas para lamang lumabas sa kanyang pinagtataguan sa lungsod ng Davao, ayon sa ulat ng pulisya .

Base sa report, napatay ng mga awtoridad ang suspect na isang Von Arden Dagasdas alyas Ardot nakatira sa Iligan City na pansamantalang naninirahan sa Barangay  Duterte Agdao, Davao City.

Ayon sa pulisya, si Dagasdas ang siyang responsable sa pag pag-carjack ng isang Honda Civic na naka parada lamang sa isang malaking mall sa Bajada lungsod ng Davao.

Ayon kay Davao City Police Director  S/Supt. Ronald Dela Rosa, natunton nila ang pinagtataguan ng suspect sa tulong ng isang driver ng van na inupahan nang magpunta ang suspek sa nasabing mall at tinangay ang Honda Civic ng mag-asawang negosyante.

Sumuko ang nasabing driver dahil sa takot at konsensiya.

Nagtangkang manlaban ang suspek at sa takot na masukol ay nagtago umano sa kisame ang suspect sa inupahang bahay kaya napilitan ang mga awtoridad na gumamit ng tear gas.

Dahil hindi nakayanan ang usok, lumaban si Dagasdas hanggang sa mapatay ng mga awtoridad.

Na-recover sa suspect ang mga peke na plate number, shabu at maraming susi na pinaniniwalaang ginagamit sa pagtangay sa mga sasakyan na kanyang target nakawin.

Nabatid na ikinanta rin ng isa sa kasamahan nito na nahuli rin ng mga awtoridad ang modus operandi ng suspek na umano’y pabalik-balik lamang sa Davao upang maghanap ng kanyang bibiktimahin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply