Carpio sinupalpal sa CJ appointment

HINDI na pinaporma pa ni Senate minority leader Alan Peter Cayetano si acting Chief Justice Antonio Carpio sa pagsasabing magkakaroon ng demoralisasyon sa hanay ng mga mahistrado kapag taga-labas ng Suprreme Court ang maitatalagang chief justice.

“I don’t think it’s a matter of choosing an insider or outsider. It’s really a matter of whose best for the job. It’s more of who’s the perfect man or woman for the job,” ayon kay Cayetano.

Sa statement nitong Huwebes, sinabi ni Carpio na magkakaroon ng demoralisasyon sa korte kapag naitalaga ang taga-labas ng Korte Suprema bilang chief justice.

“I will not deny that [appointing an outsider] will be bad for the morale [of the insiders],” ayon kay Carpio sa kanyang pahayag sa interview ng Judicial and Bar Council.

Ngunit, sinabi ni Cayetano na may kahalagahan ang pagtatalaga ng outsider o insider bilang chief justice. “For the insiders, they already have the experience. They know the people and the process. For the outsiders, they can bring in fresh perspective,” aniya.

Nasiyahan naman si Cayetano sa isinasagawang live media interview sa mga nominado dahil mas matitimbang ngayon ng publiko kung sino ang nararapat na umupong chief justice.

“Usually justices are not allowed to be close to the people because of the nature of their work. But because of these interviews, the people will get to know them more, “ aniya.

Sinabi pa ni Cayetano na nakatakda siyang maghain ng panukala upang maglagay ng criteria sa nominasyon ng chief justice upang magamit sa mga susunod na panahon.

Kabilang sa criteria sa nominado ang academic performance, management skills o karanasan,  history of transparency and accountability atbp.

“If you put together your own criteria then somehow you can use this to explain your choice to the people and eventually to the Malacanang when the shortlist is finalized,” aniya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply