Casket ni Dolphy nabili niya noong 1976 pa

NAKALAGAK ngayon ang katawan ni Dolphy sa kabaong na nabili mismo ng Hari ng Komedya noon pang 1976 na gawa sa isang bronze.

Ayon kay Rowell Quizon, apo ni Dolphy, parang magte-taping lamang umano ang kanyang lolo sa ayos nito sa kanyang burol sa Heritage Park Taguig City.

Nakasuot ng puting coat si Dolphy na siyang paborito nitong isuot maging ang kanyang sapatos ay puti rin na leather.

May nakalagay din sa kanyang kamay ng isang rosary.

Public viewing

MASISILAYAN bukas ng mga fans ang labi ni Dolphy sa Heritage Park, Taguig City habang ninais naman ng pamilya nito na maging pribado muna ang unang araw para sa kanila.

Nakatakda namang dalhin mamayang alas-9:00 ng gabi sa kaniyang dating TV network (ABS-CBN) sa Quezon City ang bangkay ni Dolphy upang bigyan ng tribute. Mananatili si Tito Dolphy doon hanggang alas-3:00 ng medaling araw kinabukasan.

Kagabi pa lamang ay bumuhos na ang mga fans sa pagtungo sa Makati Medical Center makaraang makumpirma ang pagpanaw ng Hari ng Komedya.

Libing

POSIBLENG ihatid sa huling hantungan ang labi ng Comedy King sa Linggo, limang araw bago ang kanyang pagkamatay.

Ayon sa report ng dzBB, ito ang inisyal na schedule na ipinalabas mismo ni Dolor Guevarra, manager ni Eric Quizon.

Si Dolphy ay binawian ng buhay sa Makati Medical Center sa edad na 83, na nakatakda sanang magselebra ng kanyang 84th birthday dalawang linggo bago ang pagpanaw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply