Cayetano, Jamby magsasama sa LP coalition

MALAKI ang posibilidad na magsama sa iisang tiket sa 2013 senatorial elections sina Sen. Alan Peter Cayetano at dating senador Jamby Madrigal sakaling maisapinal ang line-up ng LP coalition.

Sa panayam, sinabi ni Sen. Franklin Drilon na kasama sa mahabang listahan ng kandidato si Madrigal na dating mahigpit na “kaaway” ni Cayetano noong 2010 presidential elections.

“Isa si Jamby sa kandidato na nasa mahabang listahan,” ayon kay Drilon.

“That is a long list; many names are there. As we get near October, we will have to assess it,” dagdag ni Drilon.

Noong 2010, nangampanya si Madrigal laban kay Sen. Manny Villar at Cayetano na nakuha pa nitong tawagin ang huli bilang askal o asong kalye, dahil lubha ang katapatan nito sa lider ng Nacionalista Party (NP).

Ngunit, natalo si Madrigal sa pagkasenador.

Inihayag pa ni Drilon na hindi pa lubusang naisara ang koalisyon ng LP, NP at Nationalist People’s Coalition (NPC) ni Danding Cojuangco ngunit nagkakaroon naman ng positibong usapan.

“It’s not yet sarado. It’s a work in program. But there is a substantial progress,” ayon kay Drilon.

Aniya, walang pinag-usapan sa koalisyon hinggil sa distribusyon ng bilang ng senatorial slots sa bawat partido, ngunit pinag-uusapan ang detalye hinggil dito.

“There are no fixed numbers. That’s under discussion,” ayon kay Drilon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply