CBCP: Aquino admin, reform-minded

AMINADO ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na reform-minded ang administrasyong Aquino.

Gayunman, sinabi ni CBCP-NASSA chairman Bishop Broderick Pabillo, na marami pang isyu na hindi napagtutuunan ng pansin ni Pangulong Benigno Aquino III.

Inihalimbawa ng opisyal ang isyu sa pagmimina, extrajudicial killings, land reform at problema sa pabahay para sa mga mahihirap.

Ayon pa sa obispo, taliwas sa mga naging deklarasyon sa naunang State of the National Address (SONA), mahirap makipag-ugnayan kay Pangulong Aquino.

Sinabi pa ni Bishop Pabillo na bagama’t sinasabi ng Pangulo na “kayo ang boss ko” ay wala namang mekanismo kung paano siya makakausap ng sambayanang mahihirap at hindi rin tukoy kung sino ang sinasabing “boss” ng Pangulo.

Inihalimbawa ng obispo ang mga magsasaka na para maka-ugnayan ang Pangulo ay kailangan pang magmartsa sa lansangan mula sa kanilang liblib na tirahan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply