CBCP naghahanda na para sa World Youth Day sa Brazil

NAGHAHANDA na ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa nalalapit na pagdaraos ng World Youth Day (WYD) sa Brazil sa susunod na taon.

Kaugnay nito, hinimok ni CBCP-Episcopal Commission on Youth (ECY) chairman at Legazpi Bishop Joel Baylon ang mga indibidwal, paaralan, mga organisasyon at mga diocese na sumama sa delegasyon na inoorganisa ng CBCP-ECY para sa WYD 2013.

Nabatid na ang delegasyon ng CBCP-ECY ang ikinukonsiderang official Philippine delegation ng WYD organizers at mas may advantage aniya kung magiging bahagi ang isang Pinoy pilgrim ng naturang national delegation.

“We celebrate the WYD experience as a national delegation. If we are together, we can share our experiences and get in touch with each other more easily,” wika ni Baylon.

Hinimok rin ni Baylon ang mga interesadong lumahok sa global youth event na ngayon pa lamang ay mag-solicit na ng pondo para sa kanilang WYD pilgrimage.

“Although the WYD host country have yet to disclose the financial requirement of the event, it is prudent to start soliciting early,” aniya.

Hinikayat rin nito ang mga magiging kalahok sa WYD na seryosong pag-aralan ang primer at magsagawa ng personal na paghahanda na ipinapayo ng primer.

Ang naturang primer ay ire-release para maituro sa mga interesadong lumahok sa pagtitipon ang mga detalye ng nalalapit na WYD, gayundin ang physical, spiritual at financial requirements na kasama nito.

Target ng CBCP-ECY na mai-release ang primer sa Agosto. Nabatid na naantala ang pag-release nito dahil naantala rin ang pagre-release ng Brazilian organizers ng official registration guidelines ng WYD 2013.

Noong 2011, ang delegasyon ng CBCP-ECY sa WYD na ginanap sa Madrid, Spain binubuo ng 422 Pinoy pilgrims.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply